kinalimutan na raw ng mga anak sa Maynila,Mag-asawang matanda na nakatira sa sirang tent
Sadyang sa isang pamilya ay minsan mayroong mga anak na parang wala
ng pakialam sa kanilang mga magulang na dapat sana ay mas inaalagaan
nila kapag matatanda na ang mga ito. Sa isang kabanata ng artikulong
ito, masasaksihan ang nakakalungkot na kalagayan ng dalawang matandang
mag-asawa kung saan ay nakatira lamang sila sa sirang tent. Napag-alaman
na ang dalawang matandang ito ay nakatira sa Linabuan Norte, Kalibo,
Aklan na sinasabing kinalimutan na sila ng kanilang mga anak. Mapapansan
sa mag-asawang ito na bukod sa mga payat na pangangatawan ay hindi rin
maayos ang kanilang tinitirahan dahil sa sira-sirang tent lang sila
natutulog. Sa isang video sa Youtube na ibinahagi ng Radio anchor na si
Archie Hilario, sinubukan nitong pasyalan at alamin ang mahirap na
kalagayan ng mag-asawa.
Makikita
sa video na tagpi-tagpi lamang ang kanilang tinitirahan na tent. Ayon
kay lola, mayroon siyang mga anak na nakatira sa Maynila ngunit matagal
na silang hindi nagpaparamdam at tila kinalimutan na sila. “Yung dalawa
nasa Maynila, wala ring kumunikasyon sa amin kung saan sila natira” ayon
kay lola. Sinabi din ni lola na kahit sulat manlang sana ang kanilang
matanggap mula sa kanilang anak sa Maynila ay magiging masaya na ang mga
ito. Hindi daw masama ang loob nila sa mga anak nila basta ang mahalaga
daw umano ay malaman nila kung ano na ang kalagayan ng kanilang mga
anak at kung anong balita sakanila. “Hindi naman sυmαsαmα ang loob ko sa
kanila.. bakit naman nila kami ginato, ni hindi nila kami pinapadalhan.
kahit sulat lang. kahit padalhan nila kami ng sulat lang masaya na ako.
Kahit sulat o sa Facebook lang makita namin sila, sasaya na kami.” ayon
kay lola.
“Hindi
nila kami naalala ng dalawa naming babae sa Maynila.” dagdag pa ni
lola. Meron umano silang isang anak na namamasukan malapit sa kanilang
lugar ngunit mayroon na din itong pamilya kung kaya naman kung wala
itong maiaabot sakanilang pera ay wala rin silang makakain. Dahil sa
naramdamang awa ni Hilario sa matanda ay inalok nito kung puwede daw ba
silang magpatayo ng bahay para sa mag-asawang matanda, ngunit sinabi ni
lola na hindi maaari dahil hindi sakanila ang lupang kinatitirikan ng
kanilang tent. Maraming netizen ang nalungkot at naawa sa kalagayan ng
mag-asawang matanda, basahin sa ibaba ang kanilang reaksyon. Leonida
Manuel Barbas Torrenca Kahit anong hirap ng buhay dapat kailangan nating
alagaan ang mga magulang natin habang silay nabubuhay…. Kami mahirap
din pero d namin kayang pabayaan ang mga magulang namin pero ngayon ang
sakit sakit sakit na isiping wala na cla di pa kaming magkakapatid
nagsawang alagaan at bigyan ng pangangailangan nila… Masakit mαωαℓαn ng
mαgυℓαng Melany Madrona Di rin natin Alam ang sitwasyon ng mga anak NYa
baka hirap din sa buhay. Kawawa nman si lolo at lola sana my tumulong
sainyo. God bless you po Ukay Ukay Rah sana may tumulong n makita nila
ang mga anak bka hirap din nging situation ng mga anak nila..kaya wala
ring magawa para sa mga magulang. Panoorin ang video sa ibaba:

Post a Comment