Tinanggalan ng Bubong at Pinto ng Land Lady dahil hindi nakapagbayad ng Upa,ang buntis na ina

advertisement


Dahil sa krisis na ating kinakaharap ngayon marami sa ating kababayan ang labis na naapektuhan ang pinansyal na pangangailangan dahil sa mga negosyong nagsara at sa mga empleyadong nawalan ng trabaho.

Kaya naman mabilis na nagviral ang kwento ng isang buntis na babae na hindi nakabayad ng renta sa kanyang tinutuluyan. Labis itong pinag-usapan dahil ayon sa mga nakakita ng pangyayari ay pinatanggal umano ng Land Lady ang bubong ng bahay, pati na rin ang pinto nito. Kasabay pa ng pangyayaring ito ay bumuhos ang ulan, kaya naman nabasa ang mga gamit ng mag-ina.



 

Maraming netizens ang hindi natuwa sa ginawa ng land lady sa mag-ina. Ayon sa ibang komento ng netizens ay hindi na raw umano makatao ang ginawa ng land lady. Narito ang ilang komento ng netizens,

“Grabe naman kayo, hindi man lang kayo naawa buntis pa yang babae at hindi niya kasama ang kanyang asawa. Konting pang-unawa naman sana.”



 

“Sobrang nakakaawa ang mag-ina, mahirap talaga ang sitwasyon natin ngayon, sana naman ay magtulongan tayo.”



 

Ayon sa buntis na babae ay magbabayad naman umano ito kapag nagkapera na sila, dahil kasalukuyang walang trabaho ang kanyang asawa. Depensa naman ng land lady, kung abotin daw ng isang taon itong krisis, isang taon pa raw bago ito magbayad.

Marami talaga ang labis na apektuhan ng krisis na ito, paalala lamang sa bawat isa na pilitin nating unawain ang sitwasyon ng bawat isa. Sa bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay, piliin natin lagi ang pagiging isang mabuting tao.

advertisement
Tinanggalan ng Bubong at Pinto ng Land Lady dahil hindi nakapagbayad ng Upa,ang buntis na ina Tinanggalan ng Bubong at Pinto ng Land Lady dahil hindi nakapagbayad ng Upa,ang buntis na ina Reviewed by ecod on July 07, 2021 Rating: 5