Isang 19 na taong gulang na estudyante ang nakabili na ng sarili niyang bahay at lupa dahil sa pagiging working student nito kahit pa sa gitna ng pandemya

advertisement

 

Pagpundar ng sariling bahay at lupa ang isa sa mga pangunahing plano ng mga taong nais ng mag-settle down o lumagay sa tahimik. Subalit kahit anong kagustahan man natin na makapagpundar nito, maraming mga hadlang at kadahilanan upang hindi natin ito matupad.



Kaya naman marami sa mga pamilyang Pilipino ang nakikisilong lamang din sa kanilang mga magulang, mga kamag-anak, o di kaya naman ay nangungupahan. Ngunit para kay Patricia Mae Tandas isang 19 na taong gulang, walang anumang makahahadlang upang matupad ang isa sa kaniyang mga pangarap.



Marami ang nagulat at namangha na sa murang edad ay magkakaroon na ito ng sarili niyang bahay at lupa. Aniya ng dalaga, gusto lamang niyang makatulong sa kaniyang pamilya sa gitna ng pandemyang ito at nais niyang makabili ng kaniyang mga pangangailangan gamit ang sarili nitong pera. Dagdag pa niya na habang tumatagal ay tila ba nasasayang ang kaniyang pera sa pagbili niya ng kaniyang mga luho.



Kaya naman nag-isip siya ng paraan kung paano niya maiipon ang kaniyang kita ng pangmatagalan at talagang may patutunguhan. Ang tinutukoy pala ni Patricia na “magagamit nila in the long run” ay ang bahay at lupa na kaniyang pinaglaanan para sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Sa ngayon si Patricia ay nasa kolehiyo na at kumukuha ng kursong “Psychology”. Ito’y talagang kamanghamangha at nakabibilib na mentalidad na meron ang dalaga.



Marami sa atin ngayon ay hindi na iniisp ang tungkol sa pinatutunguhan ng kanilang pinaghirapang pera, pero mayroon pa rin palang mga kabataan ang talagang may pagpapahalaga dito at inuuna ang mga mahahalagang bagay bago pa man ang iba. Tiyak at panigurado na marami sa mga kabataan ang na-inspire at makakapulot ng aral sa kwento ni Patricia. Alam kong marami sa atin ang hindi pa kaya ngayon ngunit sigurado ako na darating din yung panahon na masasabi nating “it’s my turn”.
advertisement
Isang 19 na taong gulang na estudyante ang nakabili na ng sarili niyang bahay at lupa dahil sa pagiging working student nito kahit pa sa gitna ng pandemya Isang 19 na taong gulang na estudyante ang nakabili na ng sarili niyang bahay at lupa dahil sa pagiging working student nito kahit pa sa gitna ng pandemya Reviewed by ecod on September 02, 2021 Rating: 5