Batang nakiusap na mayakap ang amang nasa loob ng piitan, pinagbigyan ni mamang pulis

advertisement


 

Pumukaw sa mga puso ng mga netizens ang nakakantig na post ng isang netizen na si Flavio Ang Panday. Na kung saan ay pinagbigyan nito ang munting hiling ng isang paslit na mayakap ang kaniyang ama. Kaniya niyang ibinahagi sa social media account ang naging kwentuhan nila ng batang paslit ukol sa mumunting kahilingan nito.




"Sir mamang Pulis... Pwede kopo bang mayakap ang aking papa??? Mis na mis ko napo kasi siya pwede niyo ba siyang palayain na?????" Banggit umano ng chikiting. Dagdag pa nito ay kung maaaring payagan na raw niya itong makalaya na ang kaniyang ama. Ngunit pinaliwanag ng pulis na hindi ito maaari at tanging ang mga kinauukulan lamang ang makakapagdesisyon nito.


 

"naku ading hindi kasi pwede eh, husgado kasi ang magpapasya pero sige halika para hindi namamagitan ang rehas sa pag yakap sa iyong papa buksan ko nalang saglit at yakapin mo siya para tugon sa iyong mumunting hiling..." Sa murang edad ay tila bukas na ang malawak na isipan ng murang edad na batang ito, kaniyang naintindihan ang paliwanag ng pulis pero ang lubos pa rin nitong ikinauwa nang mapagbigay ang kaniyang kahilingan na mayakap ang kanyang tatay.



Lubos na pasasalamat naman ng batang chikiting kay mamang pulis nang ito ay magpaalam, bitbit ang ngiti sa kanyang labi kasama ang kaniyang ina. Sa huli, ay nais maiparating ng maunawaing pulis na hindi man maganda ang naging imahe ng iilan sa kanilang mga kabaro, ay mas marami pa rin ang pinipiling magkaroon ng mabuting puso at pantay na pagtingin sa bawat mamamayan. Ayon sa kanyang panghuling salaysay, "Matapang naman talaga ang tagapag patupad ng batas ngunit may puso rin at May pakiramdam kami...



Kahit anu pa ang nagawa ng taong lumabag sa batas sadya talagang may puso kami at sila na bilanggo ay may karapatan parin kahit bilango at tanging panginoon lang ang magpapasya balang araw pag dumating na ang takdang araw." Kaya naman magpasangayon ay napakaraming netizens ang nagpapakita ng kanilang paghanga at pagsaludo sa kabutihang loob ni "Flavio Ang Panday"




advertisement
Batang nakiusap na mayakap ang amang nasa loob ng piitan, pinagbigyan ni mamang pulis Batang nakiusap na mayakap ang amang nasa loob ng piitan, pinagbigyan ni mamang pulis Reviewed by ecod on November 18, 2021 Rating: 5