Dumpster diver na si Inday Roning, namahagi ng “giveaways” sa kaniyang mga kababayang Pilipino
Pinay dumpster diver na si Rona Meloche o sa mas kiala bilang Inday Roning sa tunay na buhay ay hinangaan ng marami dahil sa nakakatipid sila ng $1,500 o higit sa Php 75,000 sa kanilang gastusin kada buwan dahil sa kanyang pagda-dumpster diving.
Ito ay kasalukuyang naninirahan sa Florida, USA kasama ang kanyang mister na isang Amerikano at ang isa nilang anak. Tunay ngang para sa maraming Pilipino, ang manirahan sa Estados Unidos ay talaga namang napakagandang oportunidad upang makaangat sa buhay. Ngunit para kay Inday Roning hindi alintana ang sasabihin ng ibang tao sa pangunguha niya ng mga bagay at mga pagkain na maaari pang mapakinabangan.
Makikita sa kanyang mga vlogs kung gaano kadami ang mga gulay at mga prutas na kaniyang nakukuha sa mga supermarket at mga grocery stores doon. Hindi lamang mga pagkain dahil halos lahat ng mga bagay ay maaari mong matagpuan dito kung pagtitiyagaan mo lamang na maghanap sa basurahan ng mga naturang establisyemento. Ang mga nakukuha niyang gulay, prutas, karne at iba pang mga pagkain ay kaniyang inihahain sa kanyang pamilya.
Binigyang-linaw naman ni Inday Roning na malinis naman daw lahat ng mga pagkain na kaniyang iniuuwi sa kanilang tahanan. Sinisigurado naman ni Inday na malaya pa ang “expiration date” ng mga ito at sa saradong-sarado din ang mga packaging kung kaya naman talagang ligtas itong kainin ng kanyang pamilya. Samantala, ang mga pagkain na nabuksan na ay ginagawa niyang pataba sa kaniyang hardin. Talaga namang mamamangha ka sa pagiging madiskarte at maabilidad niya. Ang kaniyang mister ay todo rin ang suporta na ibinibigay.
Nito lamang ay namahagi siya ng kahon-kahong mga pagkain at mga gamit para sa kaniyang mga masugid na taga-subaybay. Ang mga kahong ito ay punong-puno ng mga de-lata, tsokolate, masks, lotion, moisturizers, at marami pang mga gamit talagang mapapakinabangan pa. Ito ay mula daw mismo sa kanilang pamilya at mula sa mga nakalap niya sa pagda-dumpster diving.
Masayang masaya siyang makatulong sa kaniyang kapwa at makatulong din sa ating kapaligiran at Inang Kalikasan.
Post a Comment