Isang Food Panda rider ang nakuhanan na dala ang kanyang baby sa maliit na basket habang sya ay nagtatrabaho

advertisement


Saad ng uploader na si Jeremiel “Tinanong ko po sya kung wala ba sya mapag iiwanan sa baby nya. Wala daw po kasi nagwowork din daw po yung asawa nya at nakikitira lang po sila sa tito nya. Ang nasabing Rider ay si Hershey Manuel”



Nakunan ang larawan sa Bayan ng San Pedro Laguna na kung saang makikitang sakay ng isang Food Panda rider na si Hersey A. Manuel ang kaniyang maliit na anak.



Maraming netizen ang nakapukaw ng atensyon na ito at nagbigay ng komento ayon sa kanilang nakita saad ng isang netizen “Dilikado sa bata Yang gawa mo kapag nahulog Yang bata sa bike at magkasakit. SA hamog pwede naman kayo kumuha ng tiga pagalaga dalawa pala kayo nagwowork magasawa eh may pambayad na siguro kayo sa magalaga. Negative SA akin Yang stay mo”



Nagbigay naman ng panayam ang Dakilang ama na si Hersey A. Manuel sa mga netizen na nag bibigay ng masasakit at negatibong komento sa kaniya saad niya “”Magandang umaga po! lilinawain ko lang po na hindi ko po kasama yung anak ko araw-araw sa pagdedeliver, kaya ko lang po siya sinama dahil marami pong ginagawa yung asawa ko nagluluto ng paninda naming tokneneng at nag hehelper po dito sa tindahan ng tita ko, yung mga tita ko naman dito marami rin pong ginagawa nung mga oras na yan eh iyak na po ng iyak yung anak ko kaya isinama ko po. Alam kopong nag aalala lang kayo sa anak ko maraming maraming salamat po talaga sa nag-paabot ng tulong.”



Sinuportahan naman ito ng maraming netizen matapos itong mabasa saad nang nagmamalasakit na netizen sa komento ni Hersey Maneul “Urilang ama itong young man na ito, Wala ka bang mga kamag anak sa tabi ninyo na pag iwanan mo sa baby ninyo? Sana yong babay mo ay safe doon sa mga amoy ng mga animals na inaalagaan mo. Kasi ang baby madaling mag kasakit yan sa mga amoy ng animals. Sana ok lang yan na nasa kabilang room mo inilalagay ang baby mo. God Bless you both at work ng baby mo.”
advertisement
Isang Food Panda rider ang nakuhanan na dala ang kanyang baby sa maliit na basket habang sya ay nagtatrabaho Isang Food Panda rider ang nakuhanan na dala ang kanyang baby sa maliit na basket habang sya ay nagtatrabaho Reviewed by allan on November 04, 2021 Rating: 5