Isang karpintero, ibinenta ang “meteorite” na bumagsak sa kaniyang bahay at naging “instant” milyonaryo

advertisement


Sa pag-abot ng ating mga pangarap kinakailagan ang sipag at tiyaga na nagsisilbing sangkap upang ito ay matupad. Pagsasakripisyo at paghihirap ang dapat na tiisin para lamang magkaroon ng maginhawang buhay. Ngunit minsan ang swerte ay dumarating sa mga pagkakataon na di natin inaasahan.



Kung kaya naman kapag ito ay nangyari, marapat lamang na tayo ay handa at alam natin kung ano ang dapat gawin. Katulad na lamang ni Josua Hutagalung, 33 at isang karpintero na nagmula sa bansang Indonesia na ngayon ay isa ng milyonaryo. Si Josua ay naging isang “instant milyonaryo” matapos nitong ibenta ang isang “meteriote” na hindi inaasahang malalaglag sa kaniyang bahay.



Ayon kay Josua, buwan iyon ng Agosto nang mangyari at hindi inaasahang swerte habang siya ay abala sa trabaho sa labas ng kanilang tahanan. Kwento nito, may malakas na tunog siyang narinig sa kanilang bahay kaya naman agad niya itong pinuntahan at hinanap.



Laking gulat na lamang nito matapos makita ang 2.2 kilo ng “meteorite” na bumagsak sa kanilang bubungan. Lumubog pa ito ng 15 centimeters na agad namang hinukay ni Josua. Nang makuha niya ang meteorite ito pa ay mainit-init, at agad naman niya itong ipinasok sa kanilang tirahan.





From my posting on Facebook, I received responses from hundreds of netizens, and the post was shared hundreds of times. As a matter of fact, there have been many local and international reporters who have come here to cover the incident,” Kwento pa ni Josua. Agad namang nabili ang naturang “meteorite” kay Josua sa nagkakahalagang RM7.6 million (Malaysian Ringgit) o katumbas ng Php 88,920,000. Ito ay katumbas na ng kaniyang 30 taong sweldo.



Talaga namang napakaswerte ni Josua dahil sa dinami-rami ng bubungan na maaaring pagbagsakan ng meteorite ay sa mismong tahanan pa niya ito bumagsak. Sa kaniyang natanggap nais niyang magpatayo ng isang sambahan para sa kanilang lugar at nais rin daw niyang magkaroon ng isa pang anak na babae bukod sa kaniyang tatlong mga a
advertisement
Isang karpintero, ibinenta ang “meteorite” na bumagsak sa kaniyang bahay at naging “instant” milyonaryo Isang karpintero, ibinenta ang “meteorite” na bumagsak sa kaniyang bahay at naging “instant” milyonaryo Reviewed by ecod on November 13, 2021 Rating: 5