Paalala ng isang netizen sa mga magulang: “Huwag agad maniwala sa mga anak
advertisement

Sa Facebook post ni Onesimo Corpuz Villabas Jr., kaniya niyang pinaalalahanan ang mga magulang na “huwag agad maniwala sa anak siguro kong aalis ng bahay at kunwareng may gagawing project.” Ito ay dahil matapos niyang masaksihan ang dalawang kabataang nag-uusap kung papano sila makakagawa ng paraan upang makahingi ng pera sa kanilang mga magulang. Ayon sa narinig na usapan ni Villabas, ang idinadahilan raw ng dalawang kabataang ito sa kanilang mga magulang upang mabigayn sila ng pera ay mayroon daw silang gagawing proyekto

Dagdag pa niya, maya-maya raw ay naghalikan na ang dalawang kabataan at tila ay wala silang pakialam sa kanilang mga paligid. “Then yan nga mayamaya yan na yung ginagawa nila na gulat lahat ng tao sa resto pinagtitingnan sila ng mga tao wala silang paki alam,Napa yuko nalang yung dalawang mag asawa sa gilid nila sa pinag gagawa nila!” kwento ni Villabas. Narito ang kanyang buong post: “Habang kumain kami kanina sa isang resto may dalawang kabataan sa kabilang table.
Maraming tao sa resto maraming mga mag asawa at matatanda,habang nag hihintay ang dalawang bata/kabataan na mag partner una nag yayakapan pa sila yung sweet na sweet, tapos rinig ko ang pinagusapan nila sabi ng babaeng bata mag kano binigay ng mama mo sayo? Sagot ng lalake: 1000 ,babae: ano sinasabi mo sa mama mo para bigyan ka ng pera? Lalake: sabi ko may project tayo sa School. Babae:ako din yan sinabi ko kaso 500 lang bigay ni mama. Lalake: basta babe mahal na mahal kita ah ikaw na ang forever ko.

ang reaction ko sa sarili “WHAT?” Ang babata niyo pa ang galing niyo na manloko sa magulang niyo! Then yan nga mayamaya yan na yung ginagawa nila na gulat lahat ng tao sa resto pinagtitingnan sila ng mga tao wala silang paki alam,Napa yuko nalang yung dalawang mag asawa sa gilid nila sa pinag gagawa nila! Malala na talaga ang mga kabataan ngayon!pero hindi ko nilalahat Pero May iilan pa namang May pangarap sa buhay at respeto sa magulang nila



advertisement
Paalala ng isang netizen sa mga magulang: “Huwag agad maniwala sa mga anak
Reviewed by allan
on
November 18, 2021
Rating:

Post a Comment