Reaksyon ng isang lalaking driver na nabangga ng isang motorsiklo, labis na ikinabigla ng publiko

advertisement


Ang matinding trapikosa mga pangunahing kalsada ay hindi na bago sa ating mga Pilipino sa katunayan nga tayo ay sawang-sawa na lalo na sa siyudad partikular na sa Maynila. Madalas ang matinding trapiko ay ang nagiging dahilan upang uminit ang ulo ng mga driver at iba pang mga motorista.



Kung iisipin ay tunay ngang nakakalungkot na sa nagdaang mga taon ay hindi na mabilang ang mga insidenteng naganap kung saan ay nag-aabot ang dalawang driver sa gitna ng kalsada. Marahil ay nabangga ng isang driver ang isang sasakyan kung kaya naman agad na bumaba ang driver, nagalit, nag-away at nauwi sa sakitan o di kaya naman ay pagkakasawi ng isa sa kanila. Sa kabilang banda, mayroon pa rin namang iilang mga driver na may magandang pag-uugali.



Tulad na lamang ng isang lalaking ito na nakuhanan ng video sa Aurora underpass. Ang kumuha ng video ay isang babaeng nakasakay sa motorsiklo na kung saan ay makikita ang banggaan ng isang pulang kotse at isang motorsiklo. Makikita sa video na kaagad namang bumaba ang lalaking nagmamaneho ng kotse, sinilip nito ang kanyang sasakyan at agad na tinanong ang nakabanggang motorsiklo kung ayos lamang ba ito



Ang mg taong nakasaksi roon ay nagulat na lamang nang kamayan ng driver ng kotse ang nakamotorsiklo at saka bumalik sa kaniyang sasakyan. Ikinagulat nila ito dahil madalas ay talagang nagagalit ang mga may-ari ng kotse lalo na kung simpleng tao lamang ang nakabangga sa kanilang sasakyan. Ngunit ang lalaking may-ari ng kotse ay tila’y kakaiba dahil nagawa pa niyang kamustahin ang lalaking nakabangga sa kaniya.



Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 9 na milyong views ang video na ito at mahigit 100,000 na rin ang mga naging reaksyon dito. Tunay ngang dapat ay tularan natin ang lalaking ito dahil sa kanyang ipinamalas na kakalmahan, wala sa estado o sa ganda ng sasakyan ang pagkakaroon ng wasto at tamang pag-uugali sa kapwa lalo na ngayong panahon ng pandemya.


advertisement
Reaksyon ng isang lalaking driver na nabangga ng isang motorsiklo, labis na ikinabigla ng publiko Reaksyon ng isang lalaking driver na nabangga ng isang motorsiklo, labis na ikinabigla ng publiko Reviewed by allan on November 19, 2021 Rating: 5