Mapagmahal na anak, niregaluhan ang kaniyang ina ng isang flower bouquet na drawing bilang sorpresa sa kaarawan nito

advertisement




Kahit sino mang anak ay walang ibang ginusto para sa ating mga magulang kundi ang maibalik natin sa kanila ang lahat ng kanilang paghihirap at pagsasakripisyo para sa atin. Kaya naman marami sa ating at nagpapakasubsob sa pag-aaral upang sa kalaunan ay magkaroon tayo ng magandang trabaho at sa wakas ay mabigyan natin ng magandang buhay ang ating mga magulang.



Nito lamang viral ang isang post na talaga namang umantig sa puso ng maraming netizens, ang kwentong ito ay tungkol sa isang ina at nga kaniyang anak na mulat sa hirap ng buhay noon pa man. Mary Jane ang ngalan ng ina ni Airiz Alcazar na nagdiwang ng ika-37 taong gulang, ang batang si Airiza ay isang 15 taong gulang na Grade 10 student ngunit sa araw na iyon ay wala silang pambili o panghanda man lamang.



At dahil dito naghanap siya ng ibang paraan upang maibigay parin ang sorpresa niya para sa kaniyang ina. Ito ay gumawa ng isang birthday banner at niregaluhan din niya ang ina ng bouquet ng bulaklak na gawa sa mga papel. Kahit na ang mga bulaklak ay drawing lamang ang ina niya na si Mary Jane ay tuwang-tuwa pa rindahil sa ginawang effort ng kaniyang anak sa pag sorpresa sa kanya. Si Trisha Mostoles ang nagbahagi ng kanilang mga larawan sa social media.



Nilagyan niya ito ng caption at sinabing “Walang money kaya nag-drawing na lang.” Tunay nga namang nakakaantig ng puso na malaman ang ganitong istorya. Pero aminin man natin o hindi marami sa atin ang talaga namang madalas na nakakalimot at tila nababalewala na ang mga bagay at mga taong nasa ating paligid. Dahil sa post na ito marami ng netizens ang nagnanais na mabigyan ng tulong ang mag-ina at kahit papaano ay mabigyan ng katuparan ang pangarap ni Airiz na mabigyan ng totoong bouquet ng bulaklak ang kanyang ina.

Napakapalad ni Mary Jane dahil mayroon siyang isang mapagmahal na anak tulad ni Airiz. Napakagandang pamamaraan ang naging pagpapalaki niya sa kaniyang anak, at talaga namang dapat tularan at maging inspirasyon sa publiko.
advertisement
Mapagmahal na anak, niregaluhan ang kaniyang ina ng isang flower bouquet na drawing bilang sorpresa sa kaarawan nito Mapagmahal na anak, niregaluhan ang kaniyang ina ng isang flower bouquet na drawing bilang sorpresa sa kaarawan nito Reviewed by allan on January 06, 2022 Rating: 5