Isang matanda na hindi marunong bumasa at sumulat, huminging ng tulong sa mga tambay “Pang Redhorse lang” sinulat sa sobre

advertisement


Isang lalaki napag tripan ng mga tambay imbes na tulungan ito, matapos humingi ng tulong ang lalaki na sulatan ang kanyang sobre.

Nais sana ng lalaki na sulatan ito ng “Pangbili ng pagkain po” pero ang sinulat ng mga lalaki ay “Pang Red Horse lang” na makikita sa isang larawan. Ang larawan na ito ni tatay ay mabilis na nag viral sa social media, maraming netizens ang nahabag sa lalaki at di lubos maisip ng karamihan kung bakit may mga taong nagawa pang manloko ng isang matanda.



Dahil sa hindi marunong bumasa at sumalat ang matanda ay napilitan siyang lumapit sa mga tambay para humingi ng tulong na ilagay sa sobre ang nais niyang sabihin na kanyang gagamitin upang humingi ng tulong sa kanyang mga malalapitan.

Sabi pa umano ng mga kalalakihan kay tatay ay okay na at naisulat na sa kanyang sobre ang mga salitang “Pangbili ng pagkain po” at nagpasalamat pa soya sa tulong ng mga ito. Ngunit nang magsimula ng mamalimos si tatay dala ang sobre ay pinagtatawanan daw siya ng mga tao at may nagsabi pa ng “Ipang iinom mo lang naman pala ang pinanlilimos mo mag trabaho ka” Ang matanda ay nagtaka na at lumapit ito sa isang netizen na nagpost ng kanyang larawan at kwento sa social media.



Itinanong ni tatay sa netizen kung ano ba ang nakasulat sa kanyang sobre dahil sabi niya hindi siya marunong bumasa at sumulat. “Napakawalang puso ng mga taong ganito ang ginagawa sa kanilang kapwa, sana’y hindi kayo patolugin ng konsensya ninyo, hindi na nga marunong bumasa at sumulat si tatay ganito pa ang gagawin ninyo” ayon sa caption ng nag post Nakakaawa ang ginawa nilang pangloloko sa matanda,

sana ya igalang at irespeto rin natin ang matatanda may pinag-aralan man o wala, marunong man bumasa o hindi. Okay lang naman kung hindi ka magbigay ng tulong, pero huwag mo naman sanang gawan ng masama yung tao na namamalimos na nga lang upang may maipang-tawid gutom sa araw-araw.
advertisement
Isang matanda na hindi marunong bumasa at sumulat, huminging ng tulong sa mga tambay “Pang Redhorse lang” sinulat sa sobre Isang matanda na hindi marunong bumasa at sumulat, huminging ng tulong sa mga tambay “Pang Redhorse lang” sinulat sa sobre Reviewed by ecod on February 27, 2022 Rating: 5