Isang security guard na ama, kasama ang anak sa duty para maalagaan, hinangaan ng mga netizen

advertisement


Talaga namang tunay at walang makakapantay sa pagmamahal ng isang magulang lalo na kung nagagawa nitong pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aalaga sa anak. Kung iisipin ang pagtatrabaho habang may batang inaalagaan ay napakahirap dahil nahahati ang iyong atensyon.



Subalit marami pa rin ang gumagawa nito. Hindi dahil sa gusto nila, kundi dahil wala naman silang magawa dahil sa sitwasyon. Katulad na lamang ng ibinahagi ng netizen na si Jeff Magno, isang security guard sa isang pawnshop. Ayon kay Jeff, siya ay nakapila sa loob ng pawnshop kasama ang kanyang pamangkin ng mapansin niya ang security guard at ang isang bata.



Dahil na-curious siya, si Jeff ay nagtanong sa security guard at mas lalong naantig ang kanyang puso sa nalaman. Nalaman ni Jeff na ang bata ay may sakit pala at ipinangak pala itong pre-matured. Wala raw umano talagang mag-aalaga sa bata kaya naman ang naisip na tanging solusyon ng ama ay dalhin na lamang ang kanyang anak sa trabaho upang mabantayan ito at maalagaan.



Ang kwento ng mag-ama ay mabilis na kumalat na parang apoy sa social media. Marami sa mga netizens ang nagpaabot ng paghanga sa security guard sa pagiging huwarang ama nito. Marami rin ang pumuri sa may-ari ng nasabing pawnshop dahil naiintindihan niya ang kalagayan ng security guard. Narito ang buong post ni Jeff: “Share ko lang po. Kaninang tanghali sa Cebuana Lhuillier sa Pacita branch habang kami ay nakapila ng aking pamangkin naantig ang puso ko sa isang security guard na may bitbit na bata habang sya'y naka duty.



Tinanong ko si manong guard kung may sakit ba yung anak nya, ang sabi nya saakin pinanganak kasing pre-matured ang anak nya kaya matamlay ito. Nabilib lang ako sa kanya dahil sinisikap nyang pagsabayin ang kanyang trabaho at pag-aalaga sa kanyang anak. Saludo ako sayo manong guard napakabuti mong ama!” Narito naman ang ilang komento ng mga netizens: "Kudos din po dun sa employer ni manong guard kc naiintindihan ang sitwasyon nya at pumayag na magduty si manong kasama ang anak nya..," sabi ni Angela Villanueva Bañaga. "Saludo aq sau isa kang dakilang ama sa totoo lang d aq mahilig mag comment sa ganitong post kaso sau manong napabilib mo q.. Ramdam kita kung nasa ganyan din ang kalagayan ng anak q...," sabi ni Benedict Sungalon. "Sana may mga ama pang kagaya mo manong guard saludo aq sau godbless u po sa pagiging mabuting ama sa anak mo..," sabi ni Ariana Cassandra.



"Wow ang galing ni kuya talaga napakabuti at dakilang tatay sana marami pa ang katulad mo sana ingatan kau ng ating PAPA JESUS sa araw2 u na pag ttrabaho. May God bless u always," sabi ni Melinda Garcia.

advertisement
Isang security guard na ama, kasama ang anak sa duty para maalagaan, hinangaan ng mga netizen Isang security guard na ama, kasama ang anak sa duty para maalagaan, hinangaan ng mga netizen Reviewed by ecod on February 24, 2022 Rating: 5