Babae nanakit ng rider, dahil lamang sa nakaharang ito sa daan

advertisement

Dahil lamang sa nakaharang ang delivery food panda rider na ito sa kalsada ay nakatikim ito ng pananakit mula sa isang babae na lulan ng isang puting suv.



Ayon sa uploader ng video sa tiktok account @mmelaiii huminto ang deliver rider sa gilid ng kalsada at humihingi ng paumanhin sa driver ng suv.

Ngunit hindi ito naging sapat na paumanhin mula sa driver at bumaba ito at agad na nakatikim ng pananakit ang delivery rider.

Ayon pa sa ilang saksi ay nakaharang umano ang delivery rider sa kalsada, at naging dahilan ito upang mapabagal ang takbo ng suv.



Kung kaya't makailang beses niya itong binosinahan at tumabi naman ang rider, ngunit hindi nakuntento ang driver sa ginawang ito ng delivery rider.

At pinapahinto nya ito, pilit namang humihingi ng paumanhin ang rider kung ito'y nakaharang sa daan. hindi ito naging sapat na paliwanag sa driver at nakatikim nga ng pananakit ang rider.

"pwede nyo nmn po kausapin,bat kailangan saktan pa ung tao ?!!!!! nkka taas ng dugo ung mga taong gnito, mnamaliit nyo ung tao basta n lng saktan. Bastos! Karma inshaallah darating din sau ne!"



"Ikw ang nakakaangat ngaun d na22log ang diyos kong ano ang nararanasan ni kuya ngaun mas masahol pa mararanasan mo buti kpa papasyal pasyal lang yan naghahanap buhay yan...nakakainis ung mga gantong tao mapang abuso sa kapwa"

advertisement
Babae nanakit ng rider, dahil lamang sa nakaharang ito sa daan Babae nanakit ng rider, dahil lamang sa nakaharang ito sa daan Reviewed by allan on March 23, 2022 Rating: 5