Halos 20 na mga Asong kalye ang pumunta sa lamay ng isang babae na nagpapakain sa kanila noong ito ay nabubuhay pa

advertisement


Marami sa atin ang mga likas na may malasakit sa mga hayop, Mga taong tinatawag na animal lover. Sila ang nagbibigay ng pagpapahalaga at pagmamahal sa mga hayop na nabubuhay sa mundo.

Kaya naman hindi nakakapagtaka na marami ang mga bumubuo ng mga pribadong organisasyon na ang mithiin ay ang matulungan ang mga hayop na nasa panganib o kaya naman ay mga hayop na inabandona at walang tirahan at makain.

Samantala, Masasabing isa na ang babaeng ito na likas ang pagmamahal sa mga hayop siya ay nagngangalang Margarita Suarez na mula pa sa bansang Mexico.

Ayon sa mga kwento tungkol kay Margarita, noong ito pa raw ay malakas at nabubuhay pa lagi nitong pinapakain ang mga ason makikita nito na pagala-gala sa lansangan.



Sinasabi rin na halos 20 mga aso ang palaging pinapakain nito kada araw, tuwang-tuwa daw si Margarita tuwing ito ay ginagawa niya.

Talagang hndi biro ang bilang ng mga asong ito dahil talagang marami sila kumpara sa paisa-isa o dalawang ligaw na asong pinapakain niya noon.



Ayon rin sa kwento, hindi lang daw mga hayop na nasa kanilang bahay ang pinakain nito bagkus lahat daw ng mga hayop na makakasalubong nito na pagala-gala at inaband0na ay pakakainin nito.

Subalit sa kasamaang palad hindi nagtagal ay nagkasakit si Margarita dahilan ng pagkawala nito.

Samantala, Laking gulat naman ng mga taong nasa lam@y ng bur0l ni Margarita dahil pumunta rito at tila nakikipaglam@y din ang halos 20 mga aso.



Makikita na malungkot ang mga aso dahil sa pagkawala ng kanilang kaibigan. Tila ba alam nila na wala na ang taong nagmamalasakit sa kanila at huling pagkakataon na nila ito upang magpasalamat sa pagtulong sa kanila.

Nagtataka naman ang pamilya ni Margarita na paano raw natagpuan ng mga aso ang bagong tirahan nito dahil nasa 10 kilometro daw ang layo nito kumpara sa dati nitong tirahan kung saan madalas siyang magpakain ng aso.



Hindi nag-ingay at nagkagulo ang mga aso na ito sa lamay niya bagkus ay naging tahimik at payapa ang lahat hanggang sa kaniyang libing.

Sa pangyayaring ito masasabi talaga na ang mga alagang aso ang pinaka matapat sa kanilang amo dahil kahit sa huling sandali ay pinaramdam nila kung gaano sila nito ka mahal .
advertisement
Halos 20 na mga Asong kalye ang pumunta sa lamay ng isang babae na nagpapakain sa kanila noong ito ay nabubuhay pa Halos 20 na mga Asong kalye ang pumunta sa lamay ng isang babae na nagpapakain sa kanila noong ito ay nabubuhay pa Reviewed by ecod on March 03, 2022 Rating: 5