Isang Babae, Binuhusan ng Gas at Sinindihan ang Sariling Mukha Dahil sa Selos

advertisement



VIRAL ngayon ang larawan ng isang babae na tinago sa pangalang “Marie”. Ayon sa post ng Kapuso Mo, Jessica Soho, Mula Davao Del Norte umano ang misis na ito. Nagselos siya sa babaeng madalas kausap ng kanyang mister sa cellphone. Ngunit imbis na manåkit ng iba, mismong sarili niyang mukha ang binuhusan ng gas at sinindihan.


Sa larawan ay makikita kung gaano nasun0g ang buong mukha ni Marie. Inamin niya sa programa na labis siyang nagselos kaya humantong siya sa ganito. Matagal na umano niyang kinimkim ang såkit na pangloloko sa kanya ng kanyang mister.



“Nagseselos ako. May lagi po kasing nagvi-video call na babae sa asawa ko. May lagi siyang kausap sa Messenger. May pictures pa! Ang tagal ko po ‘yun kinimkim. Sobrang såkit. Kaya binuhusan ko ‘yung sarili ko ng gas!”



Ngunit, ayon sa pahayag ng mister niya ay tila taliwas ang mga sinabi ni Marie dahil wala umanong katotohanan ang sinasabi nito. Sa katunayan ay mahal na mahal umano niya si Marie. Narito ang kanyang pahayag.



“Nagseselos si Marie. Sinasabi niya na mayroon daw akong ibang jowa. Hindi yun totoo. Hindi ko magagawang mambabae kasi mahal na mahal ko ‘yung asawa ko.”

advertisement
Isang Babae, Binuhusan ng Gas at Sinindihan ang Sariling Mukha Dahil sa Selos Isang Babae, Binuhusan ng Gas at Sinindihan ang Sariling Mukha Dahil sa Selos Reviewed by allan on March 15, 2022 Rating: 5