Ina, Sinurpresa na Mga Anak ng P1-M sa Kanyang Kaarawan

advertisement


Ang pagiging isang ina ay hindi natatapos sa pagluwal ng sanggol. Kailangan niyang alagaan, pakainin, pag-aralin, mahalin at kailangan niyang ibigay ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang anak. Kadalasan pa nga ay mas inuuna nila ang kapakanan ng kanilang mga anak kaysa sa sarili nila. Kaya naman, bilang mga anak ay dapat suklian din natin ang pagmamahal at sakripisyo nila sa atin.




Isang ina ang labis na pinagpala sa kanyang mga anak. Nag-viral ang kanyang kaarawan nang isupresa siya ng kanyang mga anak ng limpak-limpak na salapi.



Sa video ay pinapili muna siya ng kanyang mga anak kung P100,000 cash ba o package. Nag-isip siya at kinalaunan ay pinili niya ang package. Ang package na tunuukoy ng kanyang mga anak ay nasa loob pala ng kuwarto. Doon ay ipinakita nila sa kanilang ina ang pera na nagkakahalaga ng P1,000,000.



Masayang masaya naman ang ina sa kanyang kaarawan. Biniyayaan siya ng mapagmahal na anak at bonus na lamang ang cash na ibinigay sa kanya ng mga ito. Marami naman ang napa-Sana All na lang.
advertisement
Ina, Sinurpresa na Mga Anak ng P1-M sa Kanyang Kaarawan Ina, Sinurpresa na Mga Anak ng P1-M sa Kanyang Kaarawan Reviewed by allan on May 16, 2022 Rating: 5