Isang lolo na empleyado ng BPO, tindero naman ng chicharon sa araw ng kanyang day off

advertisement

 Isang lolo na empleyado ng BPO, tindero naman ng chicharon sa araw ng kanyang day off

Kamakailan lang ay isang senior citizen na nagtatrabaho bilang empleyado ng isang BPO company at nagtitinda rin ng chicharon ang naging viral at umani ng mga papuri sa mga netizens.
Ang larawan ng masipag na lolo ay binahagi ng netizen na si Iya Gonzales na nakasabay ng matanda sat tren.
Napansin ni Iya si lolo na kinilalang si Manuel Felipe na may dala-dalang malaking plastic bag na naglalaman ng mga chicharon habang nakasuot ang kanyang company ID lace sa loob ng tren.


Nilapitan ng netizen ang matanda para sana bumili ng paninda ni lolo, ngunit may mga nagmamay-ari na pala ng kanyang mga dala.
Nakipag usap si Iya kay lolo ng ilang minuto pa at nalaman niyang nagtitinda ng chicharon si Tatay Manuel tuwing Lunes at Martes sa araw ng kanyang pahinga.
“This hardworking man caught my attention as I saw him wearing a BPO company lace while carrying a bag full of chicharons. When I got the chance to talk to him while were going out of the train, I asked him if he is selling the chicharon kasi gusto ko sana bumili dahil favorite to ni mama, then he explained that meron ng nakareserve bawat chicharon sa mga ka-officemates niya. We talked a bit more as he seems to look at me as I am interested in what his selling.” Pagbabahagi ni Iya
“He told me that his day off is every Mon and Tues and can arrange a meet-up of order for chicharon every Tuesday night at MRT Taft station.” Dagdag pa ng netizen
Para makatulong kay lolo Manuel ay kinuha ni Iya ang numero ng cellphone nito para sa mga nais bumili ng chicharon kay Lolo.
Talaga namang marami ang humanga sa sipag ni lolo dahil sa kabila ng kanyang edad ay ruma-raket pa ito ng pagtitinda kahit mayroon naman siyang regular na trabaho sa BPO.
Sa kanyang pakikipag usap kay Tatay ay nalaman din ni Iya na si tatay ay galing pang Pampanga at bumiyahe sa kanyang pahinga para ihatid ang kanyang mga paninda.

“I admire him as he works at a BPO company full time while selling chicharon as his sideline + imagine carrying a bag full of chicharon from Pampanga to Pasay! This kind of man inspires me so much that even though life is so hard, people like him still find a way to survive and live a happy life. Salute to you Sir Manny” ani Iya

Sana ay makatulong ang pagbabahagi ng kwento ni lolo Manuel upang mas dumami pa ang kanyang mga customer.

advertisement
Isang lolo na empleyado ng BPO, tindero naman ng chicharon sa araw ng kanyang day off Isang lolo na empleyado ng BPO, tindero naman ng chicharon sa araw ng kanyang day off Reviewed by allan on May 03, 2022 Rating: 5