LOLO hindi pinapasok sa car showroom; bumili sa katabi dealership

advertisement


Bawal judgemental. Lalo na kung ikaw ay negosyante.
Ito ang paalala ng isang empleyado ng car dealership sa Lanang, Davao City kaugnay sa kanilang matandang kostumer na hindi umano pinapasok sa kakumpitensya nilang kumpanya dahil sa itsura at porma nito.



Sa Facebook post, ikinuwento ni Love Dorego na pumasok sa Suzuki dealership si lolo Manuel, isang retired professor ng University of Southern Philippines, para tumingin ng mabibiling sasakyan.
Ayon umano kay lolo Manuel, hindi siya pinapasok sa unang dealership na kanya sanang bibilihan.
"He said he wasn't allowed to get in. Maybe because of his outward appearance, wearing very old and stained clothes, dilapidated and holed shoes, and a dirty mask," ani Dorego.



Dagdag kuwento ng empleyado: "He walked into our showroom at Lanang but we didn’t hesitate to let him in and entertained him, asking what unit he wants to inquire about, he said he wants to buy a unit.
"After presenting our displayed cars he decided to buy the S-presso he said he’ll pay it in cash, but he will go back the next day because he didn't bring his money with him being afraid to bring the cash while riding a bus and a jeepney."



Kinabukasan ay bumalik ang matanda at binayaran nang cash ang napili na sasakyan.
"The following day we released his unit and since he’s still relearning how to drive Michael (our employee) drove his unit going to his home," ani Dorego.
Aniya, sa kanilang dealership ay welcome ang lahat.
"Here in SUZUKI AUTO DAVAO- LANANG, we never underestimate anyone. We will cater to all walks of life whether well-groomed or not," pahayag ni Dorego.
"LESSON LEARNED: NEVER UNDERESTIMATE ANYONE. TREAT EVERY PERSON EQUALLY," dagdag niya.


advertisement
LOLO hindi pinapasok sa car showroom; bumili sa katabi dealership LOLO hindi pinapasok   sa car  showroom;  bumili sa  katabi dealership Reviewed by allan on May 21, 2022 Rating: 5