Bantay na Aso, Nilason ng Magnanakaw Nang Mabigong Looban Ang Bahay ng Amo Nito

advertisement



Naviral ang larawan ng isang aso matapos siyang bawian ng buhay nang lasunin siya ng masamang loob. Nangyari ito sa Merauke, Indonesia. Ayon sa kanyang amo na si Achy Wijaya, isang gabi ay hindi tumitigil sa pagkahol ang kaniyang alagang aso. Na tila ba ito ay nagbababala at gusto siyang magising mula sa pagkakatulog.


Hindi ito pinansin ni Wijaya, inisip niya na baka may nakita lang ito na pusa o kung ano mang hayop. Ngunit dahil sa walang tigil na pagkahol ng kanyang alaga ay naitaboy na pala nito ang mga masasamang loob na gustong pagnakawan ang kanilang tirahan. akabalik sa pagtulog si Wijaya ng kalaunan ay tumigil din ang kayang aso sa pagkahol.

Kinabukasan ay nagtataka siya kung bakit walang sumalubong sa kaniya pag labas niya ng bahay.


Nagulat na lamang ito ng matagpuan ang kanyang pinakamamahal na alaga na nakahandusay sa sahig at nag aagaw buhay habang lumuluha ang mata. Ayon kay Wijaya, nalaman na lang nila nung lumabas sila ng bahay na ang kanilang aso ay nilås0n ng mga walang pusong magnanakaw. 




Sinabi pa ni Wijaya na nais nilang dalhin ang aso sa gamutan pang hayop ngunit sa kasamaang palad, sarado ang mga ito dahil araw ng Linggo ng maganap ang malungkot na pangyayari. Sinubukan nilang gumawa ng paraan upang labanan ang lås0n sa katawan ng aso gaya ng pagpapainom dito ng gatas ngunit sila ay nabigo.




Labag man sa kanilang kalooban at hindi nila tanggap ang nangyari, noong araw din na iyon ay binawian ng buhay at nilibing nila ang bayaning alaga sa kanilang bakuran. Maaaring nawala siya sa kanilang mga piling ngunit ang kanyang mga alaala at ang kabayanihang ginawa niya ay tiyak na maaalala magpakailanman.

advertisement
Bantay na Aso, Nilason ng Magnanakaw Nang Mabigong Looban Ang Bahay ng Amo Nito Bantay na Aso, Nilason ng Magnanakaw Nang Mabigong Looban Ang Bahay ng Amo Nito Reviewed by ecod on July 20, 2022 Rating: 5